top of page

Maraming dahilan kung bakit marami sa mga kabataan ang naapektuhan ang mga kalusugan dahil sa mobile games.Ang mobile games ay nakaaapekto sa kalusugan ng mga kabataan dahil sa madalas na paglalaro ng mga video games,ito ay sa pamamagitan ng pagkasira ng mata dahil sa pagtutok sa kanilang mga gadyet buong araw. Dagdag pa rito, ang katagalan sa pag-upo at hindi madalas na pagkilos ay nakapagdudulot ng pagsakit ng likod, ulo, at iba pang bahagi ng katawan. Nalilipasan din ng gutom ang isang bata dahil sa paglalaro ng mga ito sa mahabang oras na maaaring makapagdulot sa kanila ng mga sakit, gaya na lamang ng ulcer, at iba pa. 

​

Batay pa sa isang pag-aaral tungkol sa epekto ng paglalaro ng kompyuter games, epekto rin ng paglalaro ng mga ito ang kapabayaan ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral sapagkat dito na lamang nila naitutuon ang kanilang oras at hindi na nagagawa ang ibang mga gawain sa paaralan tulad ng takdang-aralin. Kung minsan pa ang iba ay hindi na pumapasok sa kanilang eskwelahan at dumidiretso sa mga bahay ng kaklase upang maglaro. Sa gayon ay nawawalan sila ng konsentrasyon sa kanilang edukasyon. 


​Ayon pa rito, maaari ring maapektuhan ng pagka-adik sa mga mobile games ang pag-uugali ng isang bata dahil posible nilang hindi maatupag ang ilang gawaing bahay na nagigigng dahilan din ng kanilang katamaran. Nagiging bayolente rin ang ibang mga kabataan dahil sa mga pag-uugali na kanilang nakukupkop mula sa mga online games at ito ay kanilang nai-aaplay sa kanilang buhay. Kabilang din ang kakulangan sa disiplina, kung minsan ay imbis na ipambili ng pagkain ang kanilang baon o pera, kanila itong ginagastos sa paglalaro ng kompyuter o kaya ay nangungupit sa pera ng kanilang mga magulang.

Kalusugang ipinahamak 

bottom of page