top of page

Papasa ng atensiyon

 

               Sa mga lumipas na araw, maraming mga kabatan ngayon ang hayok na hayok sa mga karo na kahit sa mga kaklase nila ay nagagawwang magpapasa ng mga laro sa kani-kanilang telepono. Ngunit sa kabaligtaran ng mga ito ay ang atensiyong dapat ay mayroon sila ay nawawala dahil sa sobrang pokus ng mga ito sa paglalaro.

              Mga magulang ang kinakailangang gumagabay sa mga ito subalit ang mga kabataan mismo ang tumatangi sa atensiyong ibinibigay ng nga magulang. Dito ay mapapatunayan na ang mga kabataan ay hindi pinapahalagahan ang mga payo at suportang ibinibigay ng kanilang mga magulang.

Ayon sa ilang magulang ditto sa barangay Ibabang Iyam, kadalasang nangyayari sa kani-kanilang mga anak ay mas inuuna ng mga ito ang napakaligaya kaysa ang pagkain sa hapag. Dagdag pa nila na napapagod na silang magbigay  ng mga payo at maging sa mga gawi ng mga ito. Aniya lahat naman ay binigay ko na ang hindi ko maintindihan maging ang  atensiyon at oras ibinigay ko na ngunit walang nangyayari

            Habang may natitira pang panahon mga kabataan, ipakia natin na ang mga payo at atensiyong ibinibigay ng ating mga magulang ay bigyang pansin at sundin dahil sa bandang huli tayo rin ang magsisi.

bottom of page