top of page

Salot na laro

By: Gelo Loza

​

Ang laro na mula sa mga elektronikong kagamitan na marami ang nahuhumaling lalo na ang mga kabataan na maaaring marami ang maging epekto hindi lamang aa iyong pisikal na kaanyuan kung hindi maging sa iyong kalusugan.

​

Ayon sa sarbey,karamihan sa mga kabataan ay naglalaro ng mga 'mobile games' upang maglibang at kalimutan ang kanilang mga problema sa eskwelahan at sa kanilang tahanan. Isa ang mobile games sa mga mahihirap tanggihan lalo na kung ito ay nasa paligid lamang dahil nagbibigay ito ng kasiyahan at bahagyang nakakalimutan ang mga problema.

​

Gayunpaman,ang labis na paggamit at paglalaro ng mobile games ay maaaring magdulot ng adiksyon,at ang adiksyon na ito ang naglalayo sa mga kabataan sa tunay na mundong kanilang kinagagalawan. Mas binibigyan ng mga kabataan ng atensyon ang paglalaro kaysa sa kanilang pag aaral at pamilya.

​

 Nagdudulot din ang labis na paglalaro nv mobile games ng bihkang paglabo ng paningin at kakulangan sa tulog ng isang kabataan. Ayon sa pag aaral,maraming masamang epekto ang labis na paglalaro nito. Nakakadismayang usipin na sa murang edad ng mga kabataan ay hindi nila napag iisipang mabuti ang mga gawaing dapat nilang unahin.

bottom of page