top of page

Tao sa likod ng makalumang laro

​

​

Matalino. Mabait. Masigasig.


​ Isang katagang tatatak at mananatili sa isipan ng sinuman kapag kanilang naranasan isang larong babago sa kabataan.Laro kung saan isang murang isip ang naka isip para muling imulat ang mga isipan ng mga kabataan na sa kanilang murang edad ay maisip nila ang mga larong noo'y usong uso. Siya ay si Gerard Grimaldo,isang mag aaral ng PMPQ nasa ika sampung baitang. "Hindi naman ako gamer" saad niya sa aming panayam para sa isang sarbey. Kahit na siya ay hindi bihasa sa mga larong umuusbong ngayon,may mga bagay pa rin siyang alam na tanging siya lang ang naka isip

 

Ayon sa kaniya ang larong kaniyang nais gawin para sa isang cp ay ang patintero,kung saan kaniyang ibabalik ang kulturang Pilipinong lunod na lunod na sa mga banyagang laro na pumukaw sa mga kabataan.Kung magkakaroon ng katuparan ang kanitang sagot,maraming mamamayan ang maiinganyong gumamit nito dahil isa ang larong patintero na kinahumalinagan ng mga magulang natin. Ang patinterong laro ang babago sa mga kabataan ngayon at magkakaroon ng isang matagumpay na 'launching' si Grimaldo at siya ang magiging tulay para putulin ang mga kahibangan ng mga kabataan sa mga banyagang laro.

bottom of page