top of page

Pinaikot ikot mo lang ako

​

Pinagka-kaguluhan at kinagigiliwan sa bansa ang bagong laro sa smartphone na tinatawag na Pokemon Go dito sa Pilipinas. Isa itong location-based augmented reality game  na ang manlalaro ay nanghuhuli, nakikipaglaban at nagsasanay ng mga virtual creature o monster saan mang lugar sila naroon at nagmumukhang totoo sa buhay. Delikado nga lang ito kung hindi magiging maingat ang gumagamit lalo pa at naeenganyo kang dumayo sa iba’t ibang pribado at pampublikong lugar para mapaglaruan ito. May mga establisimiyentong matutuwa pa kapag sa lugar ka nila naglaro pero meron din namang maiinis kaya dapat isalang-alang at piliin ang dadayuhing lugar para manghuli ng “Pokemon.”  Måy mga restawran na naglabas ng paskel na nagbababala na ang mga customer lang nila ang puwedeng maglaro nito sa loob ng kanilang establisimento. Umorder ka muna bago makipaglaro sa Pokemon. Isang maganda raw rito ay maeengganyo ang maglalaro na lumabas mula sa kanilang mga lungga at maglakad sa paghahanap ng lugar na kakikitaan ng Pokemon. Isa ring klase ng ehersisyo. Maaari ring magsama ng mga kaibigan, kapamilya, katrabaho at iba pa para sa sama-samang paglalaro nito. Mapanganib ding laruin kung nagmamaneho ng sasakyan.  Meron naman daw babala iyong program o application para sa Pokemon Go para sa kailangang pag-iingat ng maglalaro nito. May mga bansa ngang tulad sa Saudi Arabia na ipinagbabawal ang Pokemon Go. 

​

​

bottom of page