top of page

Epektong nakalala sa buhay ng Kabatan

 

 

Ang larong COC ay isang libangan at nakaka 'challenge' na laro. Madaming bata ang inuubos ang oras nila sa paglalaro ng coc sa kanilang cp na malimit pagsimulan ng problema sa bahay, paaralan dahil na rin nakakalimutan na ng mga kabataan ang mga bagay na mas importante pa kaysa sa paglalaro ng COC. Madaming grupo na ang tumutuligsa at ninanais na i-ban ang popular na laro katulad ng Concerned Parents and Citizens Organizations dahil na rin sa di magandang epekto ng laro sa kabataan. Ginagawang biro na rin ang "clash of clans rehabilitation center" na para daw sa mga taong sobra na ang pagkahumaling sa larong COC na kumakalat sa mga social network sites.Base sa aking personal na karanasan, sa una ay nagtataka ako kung bakit ang pinsan ko ay tutok na tutok sa larong ito na para sa akin ay hindi kaintereteresado. Dahil na rin sa kuryosidad ay nag try akong laruin ang nasabing laro at sa simula ay nakaka boring. Pero sa kalaunan, ay nadama ko ang tinatawag na "Clash of Clans Fever" ng ito ay aking maunawaan. 

Hindi lang naman masasamang epekto ang naidudulot ng paglalaro ng clash of clans. Meron ding itong maituturing na "educational values". Ayon sa Tech Guide for Parents, natututo ang mga naglalaro nito na maglaan ng oras panahon at maging mapagpasensya para magtagumpay sa laro. Makikita din nila ang resulta ng mabuting pagpaplano .Natutuhan din nilang mag analisa sa sitwasyon at gumawa ng desisyon base dito. Higit sa lahat ay natutuhan din ang kahalagahan ng kooperasyon at pagtutulungan. Maaaring may di magandang epekto ang larong COC ngunit sa kabilang banda, mayroon ding itong mabuting epekto sa mga naglalaro nito. Nasa mga magulang ang desisyon kung papayagan nilang maglaro ang kanilang anak, ngunit mahalaga ang gabay at patnubay lagi ng mga magulang.

bottom of page