top of page

Rules of Survival, ang bilis naging patok

​

Naging patok agad sa mga bata at mga kabataan ang larong inilabas ng Garena

Philippines na Rules of Survival at naging bahagi ng mundo ng mobile games.

​

Nanguna na din ito sa listahan, at naging numero unong laro sa taong 2017.

​

Binigyan naman ng pansin ng Garena ang kanilang inilabas na laro at ayon sa kanila tutukan pa nila ang larong ito para sa mga pagbabago at mga “updates“ ng nasabing laro.

​

Ayon sa kanila, hindi lamang sa mobile nalalaro ang Rules of Survival, nalalaro din ito maging sa computer kaya mas lalong dumami ang bilang ng gumagamit at naglalaro nito.

​

Sa kabilang banda, pumangalawa naman ang Hearthstone na gawa ding ng Garena Philippines at sumunod dito ang Plague Inc. at ang pumang- apat ay ang Dandara.

​

Umaasa naman ang Garena na magtutuloy-tuloy ang magandang resulta ng kanilang inilabas na laro.

bottom of page